Home Message Archive ABOUT SHUTTERVILLE VAINVILLE ARTVILLE EARGASMVILLE
Happy Mother‘s Day to my forever young and gorgeous mama! Naks! :D

Happy Mother‘s Day to my forever young and gorgeous mama! Naks! :D

Posted on May 12, 2013 at 9:11 AM

“May girlfriend ka na eh.”

High school reunion. Halos wala na yatang katapusan ang chikahan at tawanan. Hindi nagtagal, naglabas na rin ang mga loko ng alak. Nakakasawa rin kasi kung puro barbecue at hotdog lang ang pinagsasaluhan habang nagkukumustahan matapos ang ilang taon na hindi kami nagkakasama ng ganito. Kumpleto ang batch 10-11 at tila bumalik kami sa pagiging 15/16 years old.

Hatinggabi na at lasing na ang mga loko kaya naisipan nilang maglaro ng spin the bottle gamit ang basyong bote ng alak, syempre, alangan namang yung may laman. Nakapalibot kami sa campfire dahil parang gubat/bundok ang venue ng reunion namin. Taray no? Kung magpahatinggabi sa kagubatan kala mo walang mga magulang na nag-aalala.

Balik tayo sa laro, ang twist kasi ng laro ay hindi lamang yung karaniwang truth or dare kapag natapatan ka ng bote. Dalawang beses paiikutin ang bote na dapat tumapat sa isang babae at isang lalaki. Kung sinuman ang dalawang maswerte o malas na matatapatan noon ay sasabak sa isang dare na kung tawagin ay 5 minutes in heaven. Walang halong kalibugan ang langit na sinasabi nila dito kaya ‘wag mo nang ituloy ang pagbabasa kung hindi ka interesado sa langit namin. Ang gusto lang nilang gawin ng bawat pares ay gumawa ng isang malaking confession sa harap naming lahat. Kahit hindi patungkol sa nararamadaman nila para sa isa’t-isa; kahit isang malagim na sikreto lang at ang nagpapahirap sa dare na ito ay ang walang habas na pang-aasar ng magagaling. Pero syempre, ang lahat naman ng ‘to ay katuwaan lang.

Dahil nga mga loko ang nagpasimula ng laro, sa ibang pagkakataon este sa halos lahat ng pagkakataon ay sinasadya nilang pigilan ang bote para matapat sa pares na dating mag-syota. Isa ako sa mga biktima nila. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan. Ngayon nga lang kami nagkita ng ex ko pero todo iwas ako sa kaniya at wala talagang pansinan. Akala ko, magagawa naming hindi magpansinan hanggang sa matapos ang party. Pero eto na nga ang pakana ng mga halimaw ng buhay ko. Tumayo na siya’t lumapit sa puwesto ko ng dahan-dahan. Pinatayo na rin nila ko’t sigawan sila ng sigawan saming dalawa. May kumakanta pa ng, “Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig”, kahit sobrang gasgas na nito. Hindi ako makatingin ng diretso noong una, hanggang sa hinawi niya ang bangs ko para haplusin ang pisngi ko. Hindi naalis sa pisngi ko ang kamay niya at nagawa ko na siyang tingnan ng diretso sa mata. Natawa kaming dalawa, sabi ko, “Ganito pala.” Lalong nagsigawan ang mga loko, hinintay niya lang sigurong tumahimik silang lahat bago niya sabihing (non-verbatim):

“Alam mo, gustong-gusto kong bumalik sa’yo. Hinahanap-hanap ko yung mga oras na masaya tayo kahit wala naman tayong ginagawa, basta magkasama lang tayo. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nga alam kung pa’no ako makakabawi sa’yo. Sobrang namimiss na kita.”

Habang sinasabi niya ‘yun ay unti-unti na talagang tumulo ang luha sa aming mga mata. Tapos, kahit ga’no pa siya kalapit sa’kin, eh parang silhouette na lang niya ang nakikita ko dahil nasa likod niya ang campfire (na naging tanging liwanag namin ng mga oras na yun) at binabaha na ng luha ang mga mata ko. Madilim na rin naman na talaga ang paligid kaya ganon. Natagalan talaga bago ako sumagot, pinilit ko pang ngumiti dahil medyo patigil na rin naman na ang pag-iyak ko ang tanging nasagot ko lang sa kaniya, “May girlfriend ka na eh.” Huminto na rin siya sa pag-iyak at nagawa pang tumawa sa nasabi ko. Hindi na siya sumagot, hinalikan niya na ako sa noo at naglakad papalayo.

Tapos, nagising na ako. Panaginip lang pala ang lahat. Nang magising ako, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Litong-lito ako kasi hindi na dapat ganito. Mag-iisang taon na rin mula noong huli kaming mag-usap at kahit sa panaginip lang kami nagkita, yung title lang talaga ng post na ‘to ang nasabi ko sa kaniya. Ewan ko ba. Bakit nga ba inaalala ko kung anong dapat na sinabi ko sa kaniya? Kahit naman ano pang magandang mangyari sa panaginip man o sa totoong buhay hindi na siya babalik. Ayaw ko na rin kasi. Sana din, hindi na maulit yung mga ganitong panaginip para maka-move on na ako. Okay, drama overload na. Bye.

Posted on March 23, 2013 at 11:47 PM
3 note/s  #past #ex #dreams #nightmare #huhuhu #ayoko ng ganitong feeling #naaalala ko ang lahat eh #bwiset

LOOKING FOR PARADISE

Yaaaaaay! We’re through with our group project for NatSci2 and it’s actually my first time to use Windows Movie Maker for editing so, yeah, my editing sucks. But I tried. :))

Posted on January 30, 2013 at 11:21 PM
#eargasmville

Eto nga pala yung video ko ng pyromusical ng UST nitong nagdaang Paskuhan. Ang sakit sa leeg. Pero sobrang ganda ng mga nagniningning at makukulay daw nilang tuition! HAHAHAHA. <3

Posted on December 31, 2012 at 5:09 PM
2 note/s  #pyromusical #paskuhan 2012 #UST

Paskuhan 2012

Ayan, bago matapos ang 2012, gusto ko lang i-share sa inyo ang napakasaya kong experience sa UST noong Disyembre 21, 2012 na dapat sana’y katapusan na ng mundo pero wala eh hindi natuloy kasi wala pa kong asawa’t mga anak. In short, sobrang late na nitong post. HAHAHA. First time ko kasing umattend ng Paskuhan dahil hindi naman ako pinapayagan nila mama dati na sumama sa mga ganoong klase ng event na hanggang hatinggabi except nung prom, kasi syempre hatid-sundo naman nila ako n’on. Pero ngayon big girl na ako kaya natuwa talaga ako nang payagan nila akong pumunta ng Paskuhan at mag-sleepover kela Krizia. First time ko rin pala mag-sleepover sa bahay ng kaibigan ko, awww. <3

Maaga kaming nagkita ni Poy kasi excited nga ako masyado. Hihihi. Charot. Inagahan namin ang pag-byahe para makaiwas sa traffic. Hindi kami dumiretso sa UST kasi mahihirapan kaming makapasok nang walang kasamang Thomasian kaya kela Krizia muna kami nagpunta dahil ang ate niyang si Nikki ang susi namin sa pagpasok sa UST. Salamat ate Nikki! :D 

image

image

Poy at Jollibee. HAHAHAHA. First time niya sa Jollibee eh kaya kailangang ipagdiinan ko pa sa caption. Charot. Maaga kasi kaming nakarating sa bahay nila Krizia eh wala pa siya dun kaya naghintay kami sa kapitbahay nilang si Jollibee. Wala lang, ganda ni Poy no? Ang ganda rin kasi nung nag-picture, charotera nga lang.

Pagdating namin sa UST eh tamang-tama dahil magsisimula pa lang yung float parade ng bawat colleges nila. Pero dahil nakita namin si Justin noon nang hindi sinasadya eh hindi ko nagawang kuhanan ng litrato lahat ng float nila dahil sa tagal ng chikahan namin. 

image

image

At dahil naninibago pa ako sa paggamit ng DSLR ko eh tingnan niyo naman, lagi akong nasa timing sa pagkuha ng mga litrato. Galing no? Huhuhuhuhu. Nakakainis. Sayang lang yung camera. </3

image

image

image

image

image

image

Eto kasi talaga yung mga float nila na nakuhanan ko ng medyo maayos. Favorite ko yung float ng Up! Tapos yung Mulan na float ay sa college nila Justin - College of Nursing! Yaaay! Pero favorite ko talaga yung Up na float kasi ang cute cute nung makukulay na lobo, hihihihi.

image

From left to right: Brymon, Krizia, Justin, and Poy/Erika. Picture picture muna kami syempre. Hihihihi. Si Brymon nga pala ay boyfriend este suitor ni Krizia na kakakilala ko pa lang pero naikukuwento na nga siya nina Poy at Krizzy sa akin. Ayiiiieeee. Kaya mamaya pag tinuloy-tuloy niyo pa ang pag-scroll down makikita niyo ang napakaraming sweet moments nila. <3 OHMYGOSH HINDI KO PINAGKAKALAT HAAA, WAG KAYONG MAINGAY. HAHAHAHA. I’m just so happy for you Krizzy! Kahit hindi pa kayo eh talagang napakabait nitong si Brymon eh. Oh, ayan ah, pasado siya sakin. HAHAHAHA. 

image

image

image

image

Exchange students daw kami. Hihihihi. Si Justin nga pala ang super funny naming 1st Honorable Mention noong high school. Wala siyang ginawa kundi magpa-quiz bee noong araw na ‘to! HAHAHAHAHA. Kung ano-anong tinatanong niya samin kahit bakasyon na. At hanggang ngayon ay hinahanap niya pa rin ang bridge ng ilong ko. 

image

The feeling professional photographer moment begins! HAHAHAHA.

image

image

image

“Facundo, asan na ang One Direction? Magsisimula na ang concert ng mga banda dito sa UST. Pasakayin mo na sila sa lima kong Jet plane, madali ka!”

image

image

image

image

image

Cute nilang dalawa no? Hihihihi. <3

image

Oh hi Poy. Ang ganda-ganda mo kaya dito, hindi ko alam kung bakit ayaw mo sa shot na to. :(

image

image

Pagsapit ng dilim ay nagsimula na rin ang swog moments namin. HAHAHAHA. Hindi namin nagawang picturan ang mga bandang nag-perform tulad ng Silent Sanctuary, Mayonnaise, at Sponge Cola dahil ayaw naming pumwesto ng malapit sa stage para makapanood kami ng fireworks nila ng maayos. Doon daw kasi sa likod ng stage manggagaling ang bongga nilang fireworks. Hihihihi.

image

image

image

image

Kaya habang pinakikinggan namin ang mga bandang nagpeperform ay naglaro kami ng agawan ng lobo at nanalo siya. :( Cheater kasi. HAHAHAHA. Maaksyon talaga tong araw na to eh. 

image

But wait! Muntik ko na makalimutan na naagaw ko ng mahusay ang lobo mo dito kaya 10 points para dito. HAHAHAHAHA. Plus yung isa pang beses na naagaw ko lobo mo for a total of 11 points! HWAHWAHWAHWAHWAH. Talo ka naman pala Poy eh. HAHAHAHAHAHAHAHA.

image

image

image

image

image

Ang cute din ng mga sky lantern kaya next year susubukan talaga naming magpalipad niyan. Sana lang hindi siya mag-land sa isang bahay na maaaring masunog gaya ng napanood ko sa TV. :O

Bago matapos ang Paskuhan ay nagkita-kita din kami ng iba pa naming high school friends at kumanta ng hymn ng school namin. HAHAHAHA. Kaya lang wala kaming picture sa camera ko dahil na-lowbat na kaka-pictre at nag-video pa ko ng bonggang-bonggang pyromusical ng UST. Birthday din pala ni Louie noong araw na ‘to! Belated Happy Birthday Louie! Ang lalaking palagi nilang napagkakamalang BF ko. Sayang lang at wala kaming picture. Late na rin kasi nung nagkita kami at pinakain niya pa kami ng doughnuts niya. At syempre nag-sleepover pa kami kela Krizia dahil mahirap na ngang bumyahe pauwi ng ganoong oras lalo na’t parehas pa kaming babae ni poy. Sobrang saya lang talaga ng araw na to at nakapag-simbang gabi pa kami sa simbahang malapit kela Krizia. Thank you so much kay tita at kay ate Nikki, Krizzy! Naka-istorbo kami ni Poy ng bonggang-bongga sa inyo.

After ng sleepover namin kela Krizzy ay gumala-gala pa kami sa SM San Lazaro at nanginain nanaman. Syempre, matapos talaga ng isang maaksyon na araw kailangang lumamon no. Kahit diet nga pala ako. :( Thank you so much for this fun-filled 1 and a half days! >:D< Nakakaiyak. Charot.

Posted on December 31, 2012 at 5:02 PM
5 note/s  #akolangparasayo #smiling-star #shutterville #ust #paskuhan 2012 #maaksyon

“You can eat whatever you want as long as you exercise regularly.”

But yeah, here I am doing only the first six words of this statement. </3

Posted on December 30, 2012 at 10:14 PM
1 note/s  #physical fitness #or #physical fatness
akolangparasayo asked, "Hi poy. TAG, YOU'RE IT! The rules are to state 5 random facts about yourself. Then, go to ten favorite blogs and tell them they are it. :D"

Random Facts? Well the following are the first five that came into my mind:

  1. My hair is naturally brown in color.
  2. I eat like a man.
  3. I like to sing but singing doesn’t like me that much. </3
  4. I’m an NBSB (No Boyfriend Since Break-up). HAHAHAHA.
  5. I am of Spanish and Chinese descent. Si! Ching chong ching chang! :))
Posted on December 30, 2012 at 3:28 PM
1 note/s  #akolangparasayo
akolangparasayo asked, "Hi. Fair po ba yung view, sa fairview?"

Hello. Ba’t ako tinanong mo? Eh hindi naman ako taga-doon.

Posted on December 29, 2012 at 3:52 AM
2 note/s  #akolangparasayo #HAHAHAHA

Wag na wag mong sasabihin sa isang babae na marami kang pwede ipalit sa kanya, dahil hindi mo alam kung ilang lalaki ang nabigo nung pinili ka niya.

(Source: haponita)

Posted on December 19, 2012 at 10:28 PM
180 note/s  #blablabla #onelinerrrrr

Naalala mo yung panahong mahal na mahal kita? Gagawin ko ulit yun, pero sa ibang tao na.

(Source: haponita)

Posted on December 19, 2012 at 10:25 PM
213 note/s 

Iniyakan kita. Ang swerte mo.

(Source: haponita)

Posted on December 19, 2012 at 10:21 PM
510 note/s  #onelinerrrrr

He doesn’t know who I am and he doesn’t give a damn about me. 

Posted on December 17, 2012 at 1:41 AM
1 note/s  #oh how i wish you knew me #eargasmville #wheatus #teenage dirtbag

Who let the cats out?  

Posted on December 17, 2012 at 1:33 AM
#vainville

I’ll be subtracting the guy that has been possessing me for years and I’ll be slowly adding up the lady that I am supposed to be.

Posted on December 17, 2012 at 1:09 AM
1 note/s  #sa madaling salita #magpapakababae #or magdadalagang tunay #charot #tingnan lang natin #hwawhawhawhahwa

Oh yes, my Christmas vacation already started a few days ago but it’s just now that I am able to update my tumblr for some lousy reasons. Okay, so today I’ll be noting down the things that I would want to accomplish before my vacation ends.

I do hope I get to accomplish all of these so that my life would somehow be productive before my 2012 ends. MWAHAHAHAHA. Friends, please do remind me about this especially if you see me getting out of track. Tayo-tayo na lang naman ang magtutulungan eh. HASUESHUEAHUSHAUHAUSHAUEHE. :))

Posted on December 17, 2012 at 1:01 AM
1 note/s  #personal #hi friends #help me